Ellen Adarna, mahilig sa PDA

Mukhang hindi nagpapapigil sa pagpapakilig sina Ellen Adarna at asawang si Derek Ramsay nang magpost ang mga ito ng larawan na talagang bagay bilang public display of affection o PDA.

Inilabas sa Instagram ang lambingan to the max nila ng kanyang misis sa pamamagitan ng isang sweet video.

“You want attention,” ang nakasaad sa caption.

Maikli lang ang nasabing video, pero kilig overload na ang hatid nito sa maraming fans.

Sey ng isang nag-comment, “Gusto ko lang naman mag Instagram.”

Pabiro namang sey ng sa, “Kinilig na nman ako sa relasyon ng iba hahahah…”

Saad pa ng isa pang fan, “You guys are super cute together!”

Ang sweet moment ng dalawa, mayroon nang libo-libong likes at comments sa IG.

Enero ng nakaraang taon, nagsimula ang dating rumors ng dalawa matapos mag-post si Ruffa Gutierrez ng tila pagiging komportable nina Derek At Ellen sa isa’t-isa.

Matapos naman ang isang buwan, umamin na sila sa publiko tungkol sa kanilang tunay na relasyon habang March 2021 naman nang sila’y ma-engage at nagpakasal na noong Nobyembre na naganap sa isang luxury resort sa Bataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *