Anne Curtis, may bagong look

Maraming netizens ang natuwa sa pagbabagong-anyo ng aktres at TV host na si Anne Curtis ngayong maikli na ang kanyang buhok na akala ng ilan ay wig.

Paglilinaw ng aktres sa isang episode ng noontime variety show na “It’s Showtime”, totoo siyang nagpagupit ng buhok para maiba naman daw.

“Wala lang, na-feel ko lang magpa-short hair bigla for a change in life,” sabi ni Anne.

Ni-reveal din niya na ang naging inspirasyon niya sa kanyang hair glow-up ay si Amélie Poulain, isang French character mula sa 2001 romantic comedy na pinamagatang “Amélie.”

“Actually ang isa sa inspiration ko ay si Amélie, isa siyang French character,” saad ng aktres.

Kahit sa social media, pinagkaguluhan ang bagong hairstyle ng aktres matapos mag-post ng ala-French vibe na pictures.

Comment ng isang netizen, “Always slaying, always serving.

“Now everyone wants a haircut like this!!!”

Sabi naman ng isang fan, “Kung may rango lang ang kagandahan malamang Heneral ka.”

Saad pa ng isa pa, “Pretty as always.”

Ngayong taon lang bumalik sa showbiz industry si Anne matapos magpahinga ng dalawang taon upang maging full-time mom sa first baby nila ng food blogger na si Erwan Heussaff.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *