P8.6M na pekeng yosi, nasabat

Tatlong katao ang dinakip matapos makuhanan ng nasa higit sa P8.6 milyong ipinuslit na sigarilyo sa magkahiwalay na anti-smuggling operations ng mga awtoridad Martes sa Zamboanga del Sur.

Ayon kay Col. Richard Verceles, Area Police Command-Western Mindanao operations chief, ay kinilala ang mga suspek na sina Shariff Adjinulla de Jesus, Adrian Adjinulla de Jesus, at Lauro Ocampo Gonzales.

Alas – 6:00 ng gabi nang maharang ang mga kontrabando sa Barangay Boyugan West, Kumalarang, ng Area Police Command-Western Mindanao katuwang ang Bureau of Internal Revenue.

Nasakote sa delivery van ng mga suspek ang 215 master cases ng puslit na sigarilyo na aabot sa halagang P8,170,000 at dadalhin sana sa Pagadian City.

Binitbit muna sa Kumalarang Municipal Police Station ang mga naarestong suspek gayudin ang mga kontrabando saka itinurnover sa tanggapan ng Bureau of Customs.

Alas- 6:45 naman ng gabi nangnakumpiska rin ng mga awtoridad ang 47 master cases na puslit na sigarilyo na aabot sa halagang P517,000.00 sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.

Ayon sa mga awtoridad, ay posibleng nakatunog ang may-ari ng na may mga pulis na nagmamanman sa kanila kaya inabandona na lamang mga kontrabando.

Nasa tanggapan na ng Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit ang mga nakumpiskang sigarilyo na dadalhin din sa BOC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *