Ellen Adarna, may mensahe sa ‘would-be’ hacker

Inihayag ng aktres na si Ellen Adarna na muntikan na umanong ma-hack ang kanyang Facebook page.

Sa kanyang post, ipinakita ng aktres sa kanyang Instagram story ang isang screenshot na nag-notify sa kanyang official Facebook page at makikita rito na may nagtatangkang palitan ang password niya rito.

Sabi pa sa mensahe, “Hi Maria Elena, you can enter this code to log into Facebook. If you weren’t trying to log in, please let us know.”

Mabuti nalang at naging alerto si Ellen kundi baka isa na rin siya sa mga biktima ng nawalan ng FB account, gaya ng ilang content creators na sina Ivana Alawi at Zeinab Harake.

Pero Imbes na magalit ang aktres ay pinagtawanan pa niya ito dahil nabigo ang hacker na mapasok ang kanyang FB.

Sabi pa niya sa IG story, “Dear Hacker…Don’t even bother. Nice try tho.”

Makikita rin sa screenshot na ni-report na ito kaagad ni Ellen sa FB.

Mensahe sa kanya ng social networking service, “We’ve recorded that you didn’t ask to reset your password. You can log into your account with your current password, and you don’t need to do anything else.”

Kasalukuyang may 3.1 million followers ang verified account ng sexy actress.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *