Rabiya Mateo, may bagong baby

Nag-ampon ng isang aspin si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at itinuturing nito na kanyang bagong baby si Saul.

Proud na ipinakita ng beauty queen ang ilang litrato at video ng kanyang bagong pet dog sa social media at sinabing na-inlove siya kaagad dito.

“Will forever remember the first day I saw you and immediately fell inlove with you. From then on, I started to believe in love at first sight,” sabi ni Rabiya.

Maraming kapwa-celebrity ang natuwa sa post ng beauty queen at ilan sa mga nag-comment ay si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi at ang aktres na si Carla Abellana na kilala rin bilang isang animal lover.

Comment pa ni Carla, “Yehey!!!! Bravo!!!”

Napansin din ng maraming netizens ang pag-promote ni Rabiya sa kampanyang mag-adopt ng aso imbes na bumili.

Nasa caption din kasi niya ang “#adoptdontshop.”

Sey ng isang netizen, “Awwww. Thank you for supporting #adoptdontshop”

Comment naman ng isa, “Aww, this is super nice.”

Pagpupuri rin ng isang netizen, “Great one Ms @rabiyamateo ! Thank you for adopting one now, so adorable.”

Matatandaang lumaban si Rabiya sa Miss Universe pageant noong 2021 sa Florida sa Amerika.

Hindi man niya nakuha ang ikalimang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas, nakapasok naman siya sa top 21 semi-finalist.

Matatandaan ding naging kontrobersyal ang pagkapanalo niya sa Miss Universe Philippines matapos magreklamo umano ang ilang kandidata tungkol sa naging resulta ng laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *