Kathryn, may nadiskubre kay DJ

Kahit matagal na ang relasyon ng aktres na si Kathryn Bernardo sa aktor na si Daniel Padilla, inamin ng dalaga na mayroon pa rin siyang nadidiskubre sa kanyang one and only love.

Eleven years na ring namamayagpag ang KathNiel at in fairness, buhay na buhay pa rin ang kanilang nga supporters all over the universe.

Sa thanksgiving anniversary dinner para sa kanilang mga fans, sinagot nina Kathryn at Daniel ang tanong kung ano nga ba ang sikreto ng kanilang super successful na loveteam.

“Basta kami naman ni Deej, parati na iba ang trabaho, iba ang KathNiel, iba rin as Kath and Deej kami na boyfriend and girlfriend ‘yun ang tina-try namin,” sabi ni Kathryn. “For how many years na artista kami yes, pero mag-boyfriend and girlfriend kami na parang normal na tao, so nagpaplano kami ng trips, dinner, so kailangan may sense ng normalcy pa rin talaga.”

“Hindi ‘yung basta artista lang kami. And I think nakakatulong ‘yun sa amin. So kung may time kami na gumawa ng mga bagay na hindi trabaho, gagawin namin ‘yun together and may time rin siya alone and may time rin ako alone also,” dagdag pa niya.

Inamin naman ng dalaga na marami na siyang nakitang pagbabago kay DJ.
“Siguro, ‘yung nakita kong difference kay Deej dati, super chill niya and then parang kung ano ang nangyari, okay lang. Tapos ngayon, parang habang tumatanda kami, sobra pala niyang perfectionist sa lahat ng bagay. Pagdating sa ilaw, pagdating sa trabaho, sa lahat dapat perfect and mas perfect pa siya sa akin and bihira ‘yun for a guy. So halimbawa may eksena, tapos hindi siya masaya, so hindi siya titigil hanggang hindi niya nabibigay ang tamang emotion ganu’n, e before parang akala ko ‘chill lang’, ‘okay lang’ ngayon hindi na,” sabi ni Kathryn.

Nagbahagi rin ang Kapamilya couple ng ilang detalye kung paano sila bilang normal couple.

“Siguro kailangan namin pareho tantyahin ‘yung mood ng isa’t isa especially sa umaga. Kasi kunwari, first scene, kailangan bumubuwelo ka pa, kailangan maintindihan niyo rin ang isa’t isa kasi walang ibang makaka-intindi, so kailangan may isang mag-a-adjust. So, kung nakita mo na medyo masama ang gising or ako ‘yung masama ang gising, siya ang mag-balance. Kailangan ng ganu’n kasi kung pareho kaming masama ang gising boom! Walang makukunan for the entire day. So kailangan, matutunan mo rin ‘yun,” sabi ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *