Angeli Khang, sanay na

Aminado ang Vivamax bombshell na si Angeli Khang na sanay na sanay na siya sa pakikipag-love scene sa veteran actor na si Jay Manalo dahil ilang beses na rin daw kasi silang nagkasama ng aktor sa pelikula ng Viva.

Kasama sa pinagbidahan nilang mga pelikula ng Vivamax ay ang “Girl Friday” at ang sex-suspense-thriller na “Mahjong Nights”.

Ngayon ay magkasama na naman ang dalawa sa bagong offering ng Vivamax na “Selina’s Gold” na idinirek ni Mac Alejandre kung saan makakasama rin nila sina Gold Aceron, Azi Acozta, Soliman Cruz at Mickey Ferriols.

“Iba talaga itong ‘Selina’s Gold’ kasi it‘s more intense, maraming mahihirap na lines at mabibigat na words kasi period film ito at hindi ako magaling sa mga Tagalog words na malalalim. Thanks to Direk Mac as he really guided me kaya nagawa ko yung mga mahihirap na scenes required from me. Since third time na namin ito ni Kuya Jay Manalo, I’m now very comfortable with him. This is the sexiest work we’ve done so far. Sa trailer pa lang, marami nang na-shock,” sabi ni Angeli sa naganap na virtual mediacon ng “Selina’s Gold” kamakailan.

Ang Vivamax Original movie na ito ay kwento ng dalagang si Selina noong panahon ng World War II sa Pilipinas at kung paano siya ibinenta ng sarili niyang ama para ipambayad sa utang.

Sapilitan na pinaalis si Selina sa kanilang bahay para magtatrabaho para sa matandang mayaman na sakim at abusado na si Tiago.

Paulit-ulit na pagsasamantalahan ni Tiago si Selina, hanggang sa mapilitan na lang ang dalaga na tanggapin na ito na ang kapalaran niya at pilit na pakikisamahan si Tiago.

Sa lahat ng ito, isang bagay na lang ang pinanghahawakan ni Selina para hindi takasan ang masaklap niyang buhay, ito ay ang mahanap niya ang tinatagong kayamanan at mga ginto ni Tiago.

“The story is based on whispered tales tungkol sa panahon ng Hapon, ng giyera. It was a harsh time for Filipinos. Karamihan sa atin kumapit sa patalim para mag-survive. Yun ang inspiration,” ayon kay Direk Mac.

“Matagal na itong story na ito pero hindi ko magawa-gawa. Until Viva asked me to re-pitch it to them. This time, sinwerte. Nabigyan ng go signal,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *