Andrea Brillantes, umamin sa ‘first move’

Aminado ang young actress na si Andrea Brillantes na siya talaga ang first move kaya sila nagkalapit at nauwi bilang magkasintahan ng basketball star na si Ricci Rivero kahit pa taliwas ito sa first impression niya sa binata.

Sa kanyang bagong vlog, sinagot nila ni Ricci ang ilang mga katanungan ng mga fans nila at kasama sa naitanong ay kung sino ba ang gumawa ng “first move” sa kanilang dalawa.

“Ngayon po, itong relationship na ito…s’ya [si Andrea],” sagot ni Ricci sabay baling sa kanyang nobya. “Ikaw ’yong nagpa-follow, ikaw ’yong nagme-message [sa Instagram].”

Wala namang nagawa si Andrea kundi akuin ang mga sinabi ng kanyang boyfriend. Pero may pa-throwback s’ya.

“Opo, ako… Dati po nag-chat na sa akin si Ricci before sa private account ko. And then nu’ng [Gintong] Kadena days, nag-DM [direct message] na s’ya sa akin pero hindi ako nag-reply sa kanya,” sabi ng dalaga.

“Tapos ’yon na nga, [hindi sinasadyang] nagkita na kami [sa Xylo at the Palace sa Taguig],” dagdag pa niya.

Hirit naman ni Ricci, after daw ng pagkikita nila sa bar ay saka lang ulit nag-follow sa Instagram account n’ya si Andrea. Nag-follow-han daw kasi sila sa IG before nu’ng mga panahong hindi pa sila close at hindi pa gaanong kilala ang isa’t isa.

“Dapat pina-follow namin ang isa’t isa pero nag-unfollow din kami sa isa’t isa,” sabi ni Andrea.

At doon na nga daw nagsimula ang communication nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *