Maria Ozawa, hiniwalayan dahil sa pandemya

Ang pagputok ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic pala ang naging dahilan ng paghihiwalay ng international celebrity na si Maria Ozawa at ang boyfriend niyang si Chef Jose Sarasola.

Iyan ang inamin ni Chef Jose nang makapanayam siya sa isang TV show sa GMA7.

Pero bagama’t nagkahiwalay na, sinabi ni Chef Jose na hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang pagkakaibigan nilang dalawa.

“We’re good, we’re friends. I think the best takeaway after the breakup is that we still maintained the friendship,” sabi ni Chef Jose.

Kung matatandaan, naging magkarelasyon ang dalawa noong 2016, pero noong December 2021 ay napabalitang tapos na nga ang halos limang taon nilang relasyon pero paliwanag nila, naging maayos ang kanilang paghihiwalay.

“Up to now we’re friends pa naman. Hindi naman messy breakup or like hindi naman nag-unfollow sa IG (Instagram) or mag-block sa Facebook, we’re still good,” sabi ni Chef Jose kasabay ng pag-amin na hindi na nila kinaya ang long-distance relationship (LDR).

“It’s just really the pandemic that took us apart. There’s no bad blood naman. We’re still friends up to this day naman. But she’s in Japan so hindi rin kami nagkikita rin talaga,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *