Pia Wurtzbach, ‘pinapila’

Nakakatawa ang naging reaksyon ng mga netizens nang mag-comment si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa social media post ng aktor na si Joshua Garcia nitong nakaraan.

Nagpost kasi ang binata ng isang bagong video sa TikTok kung saan nakakuha ito ng Milyun-milyong views at libu-libong comments and shares. Makikita sa reel na sinasayaw ng binata ang “SPIN BACK!” ni Scottie Wop.

At dito na nga nagsimula ang mga comments para sa binata, kasama na si Pia na nagsabing binuksan lang daw niya ang kanyang TikTok account dahil dito.

“Nag open ako ulit ng tiktok para lang dito,” saad ni Pia.

Sinagot naman ito ng leading man ni Jane de Leon sa “Darna” ng isang emoji na nakatakip ang mata.

Kaya naman parang nag-welga ang mga tagasunod at tagahanga ni Joshua na gaya ng ginagawa nila sa iba pang celebrities na nagkokomento sa mga ipino-post na video ng aktor.

“Walang miss u miss u dito…sa likod ka.” “Hoy Ms Pia pumila ka. Walang singitan. Ano porke Ms U?” “Ay, iba ka Joshua! Miss Universe 2015 yan!” ang ilan sa mga comments ng netizens.

May nagbabala naman kay Pia na huwag nang pumila dahil may nanalo na sabay banggit sa pangalan ni Bella Racelis na pinaniniwalaang girlfriend na ng binata.

Bukod kay Pia, biro-biro ring sinita ng mga TikTok followers ni Joshua ang international star na si Nicki Minaj na nagkomento rin sa isang video ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *