Ryza Cenon, may babala

Nagbabala ang aktres na si Ryza Cenon sa kanyang partner na si Miguel Cruz kung sakaling magpo-propose na ito at sinabing hindi pa talaga nila priority ang magpakasal anytime soon.

Hindi pa rin naman daw nagpo-propose ang ama ng anak niya pero ayon kay Ryza, binalaan na niya ito na ayaw niya ng surpreang proposal kung sakali.

“Sinabi ko na sa kanya before, inunahan ko na siya. Sinabi ko na: ‘Wag kang magpo-propose ng secret or isu-surprise mo ko kasi, baka mapahiya ka. Tanungin mo na lang ako ng diretso. Kasi, baka hindi pa ko ready,’” sabi ni Ryza.

“Ang sinasabi ko lang, hindi naman kailangang gano’n palagi. Na kung ano ’yung uso na may pa-surprise, pa-party, ’yung ganyan. Tapos, magpo-propose… P’wede namang intimate lang. Pero, hindi pa ngayon,” dagdag niya.

Sa ngayon ay magda-dalawang taon na ang first born nila na si Night at nagpapagawa na ng bahay ang magkasintahan at bukod doon ay kapwa sila tutok sa anak na in-enroll nila sa mga early childhood development programs.

“Okey naman kami, pero siyempre, may mga problems din,” sabi ni Ryza. “Hindi naman mawawala ’yon, pero naia-ayos naman.”

“Mas naka-focus kami kay Night, kasi ang kasal naman, kahit anong age p’wede mong gawin. At least, kahit paano, kapag naka-focus kayo sa anak n’yo, p’wede n’yo pang mas pagtibayin ang foundation n’yo. Lalo na ngayon, nauuso ang ikakasal tapos, maghihiwalay, ’di ba? Wala kasi silang foundation ng relationship,” dagdag niya.

Inamin ni Ryza na nagsilbing “warning” sa kanya ang mga latest ganap sa mga artistang nagpapakasal na nauuwi rin sa hiwalayan kaya’t mas lalong hindi niya naging priority ito.

“Ever since naman kasi, never ko namang naging priority ang wedding. For me kasi, ang wedding, para lang siyang isang event. For me, ang importante pa rin ’yung relationship. ’Yung nabubuo ’yung foundation n’ya. So, kumbaga, papers lang ’yon. ’Yun lang ang magpapatunay na kasal kami. Bakit, kung wala ba ’yon, hindi p’wedeng magmahalan?” sabi niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *