Maja Salvador, nakakaaliw

Aliw na aliw ang mga netizens at mga tagahanga ni Maja Salvador nang puntahan niya si Bea Alonzo sa dressing room nang mag-guest ito sa Eat Bulaga segment na Bawal Judgemental. In full Majamog character kasi si Maja noon.

Sobrang naaliw naman si Bea habang naghihintay siya sa dressing room dahil kinatok nga siya ni Maja.

Base ito sa inilabas na video clip sa Instagram account ng eatbulaga1979 nitong Sabado ng hapon.

“Ma’am Bea! Busy ka po? (sabay pakita ng reaksyon ng aktres na natawa). Ang ganda. Kaya pala nag-partner sila ni Alden (Richards). Ganda ni Bea Alonzo, may bling bling (habang lumalapit ang aktres sa kanya).”

Sabay kinamayan ni Maja si Bea, “Majamog po (nag-hi naman sa kanya ang huli).”

Nakipagkilala rin ang kasama ni Maja na si Malamog, “Ang ganda ni Bea talaga. Tangkad!”

Sabay hila ni Maja ng upuan at saka tumayo bilang mas matangkad na siya kay Bea.

Hirit ni Malamog, “Ma’am Bea, pa-picture naman po.”

Pinagbigyan naman ng aktres ang hiling ng kasama ni Maja at naki-join na rin ang huli sa kanilang selfie.

Umalis na sina Maja pero bumalik ulit ito at yumakap kay Bea para sabihing close sila sa camera, “O, ano kayo ngayon, close kami ni Bea Alonzo.”

Close naman talaga ang dalawa sa tunay na buhay na unang nagkasama sa pelikulang “One More Chance” noong 2007 kasama si John Lloyd Cruz na idinirek ni Cathy Garcia- Molina under Star Cinema.

Ginampanan noon ni Bea ang karakter na Basha, habang si Lloydie naman si Popoy at si Maja ay si Trisha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *