Pia Wurtzbach, pumatol sa fans

Hindi nangiming pinatulan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga fans and supporters ni Joshua Garcia matapos siyang talakan ng mga ito kamakailan at sinabing curious lamang siya kay Joshua.

Kung matatandaan kasi, biniro ng mga fans ni Joshua si Pia sa kanyang comment na “Nag open ako ulit ng tiktok para lang dito,” na may kasama pang mga emojis.”

At dahil nga dito, sinita ng mga TikTok followers ni Joshua si Pia tulad ng ginagawa nila sa iba pang celebrities na nagkokomento sa mga ipino-post na video ng aktor.

Ilan sa mga comments laban kay Pia ay “Walang miss u miss u dito…sa likod ka” at “Hoy Ms Pia pumila ka. Walang singitan. Ano porke Ms U?”

Kasunod nito, nag-post naman si Pia sa Twitter kahapon at nagpaliwanag sa fans ni Joshua. Aniya, “Curious lang naman ako. Wag na kayo magalit. Aware naman ako sa pila. Hahahaha!”

Bukod kay Pia, biro-biro ring sinita ng mga TikTok followers ni Joshua ang international star na si Nicki Minaj na nagkomento rin sa isang video ng aktor.

Talagang si Joshua na nga ang maituturing na TikTok heartthrob dahil sa kanyang milyun-milyung followers. Pero mukhang tapos na nga ang pila dahil may nananalo na raw sa puso ng aktor, ang nali-link ngayon sa kanya na si Bella Racelis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *