Bagong oil price hike, nakaamba na naman

Inanunsyo ng Department of Energy (DoE) nitong Biyernes na inaasahang magkakaroon na naman nang panibagong oil price hike sa Martes dahil umano sa bawas-produksiyon ng petrolyo ng OPEC Plus countries.

Batay sa unang apat na araw ng trading, nasa P2.53 na ang itinaas ng kada litro ng diesel. Maalala na noong nakaraang linggo ay P6 ang itinaas ng presyo nito at sumunod dito ang gasolina na may P0.74 kada litrong taas-singil, at P2.63 kada litrong taas-singil sa kerosene.

“Mukhang masusundan ang increase na nakaraan base sa apat na araw baka mag increase pero di kasinlaki noong nakaraang Martes, talagang shaky o magalaw ang presyuhan,” saad ni DoE Assistant Director Rodela Romero sa isang pahayag.

Dahil sa bigtime oil price hike noong Martes, mas mahal na ng P35.80 ang kada litro ng diesel kumpara noong nakaraang taon habang lampas P15 naman ang net increase ng gasoline at nasa P26.75 ang kada litro ng kerosene.

Umaasa ang mga awtoridad na hindi na ito magpatuloy pagdating ng Nobyembre.

“Tingnan natin sa November pero hopefully hindi nga matuloy at meron pang factors na bumaba ang presyo,” sabi ni Romero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *