Bea Alonzo, sinuportahan ng GMA

Dinepensahan ng GMA Network ang aktres na si Bea Alozo kasunod nang mga hindi maawat na tirada sa aktres simula nu’ng iniwan n’ya ang ABS-CBN at pumirma ng kontrata bilang isang Kapuso.

Sa inilabas na pahayag ng GMA, sinabi nilang suportado nila at mataas ang kanilang pagpapahalaga sa award-winning actress.

“Nananatiling buo ang suporta at pagpapahalaga ng GMA Network kay Ms. Bea Alonzo bilang isang aktres at aming Kapuso. Masaya kami sa magandang pagtanggap ng Filipino audience sa Start-Up PH at sa mahusay na pagganap ni Bea sa kaniyang role katambal ni Alden Richards,” saad ng pahayag.

“Nagpapasalamat kami sa fans, supporters, at followers ni Bea at ng GMA Network sa patuloy na pagmamahal. Wala sa kultura ng Kapuso ang paninira sa kahit sino man at hindi rin namin pinapayagan na pagsalitaan ng hindi totoo ang aming mga artista at programa. Maliit ang industriya ng show business, hangad namin ang masaya, mabuti, at maayos na pakikitungo sa bawat isa,” dagdag pa ng network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *