Herlene Budol, bibida sa serye

Napipinto na ang pagiging bida ng komedyana at beauty queen na si Herlene Budol sa pinakabagong serye ng GMA Network na “Magandang Dilag”.

Ngayon nga ay sumasabak na sa familiarity workshop ang cast ng upcoming GMA drama series at ayon kay Herlene, excited na siyang makatrabaho ang ilang iniidolo niyang Kapuso stars.

Kasama niya sa workshops ang co-stars niyang si Benjamin Alves, Maxine Medina, Rob Gomez at Adrian Alandy.

Ilang bigatin at veteran stars pa gaya nila Christopher De Leon, Sandy Andolong at Chanda Romero ang makakasama ng beauty queen sa nasabing serye.

“Parang dati pinapanood ko lang sila ngayon kasama ko na. Parang hindi pa rin po pumapasok sa utak ko na nandito na ako. Nakikita ko sila, nakakasama at nakakausap ko na,” sabi ng dalaga.

Dagdag pa niya, malapit daw sa kanyang puso ang gagampanan niyang karakter na si “Gigi” dahil iikot umano ang mundo nito sa fashion at pinaalala din daw ng serye ang naging sagot niya sa Q&A ng Binibining Pilipinas.

“Nadidikit ko yung, ‘because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission’. Feeling ko maraming nakakarelate na mga tao,” saad ni Herlene.

Samantala, malaking hamon naman daw para kay Maxine ang gagampanan niya bilang kontrabida.

Mas intense daw ang pagiging kontrabida niya kay Herlene kumpara sa character niyang si Loraine sa seryeng “First Yaya.”

“Alam mo dun ako nahirapan. I know her story. I know her background. I know her very well. So, ito naman ako ngayon na nandito ako sa situation na kailangan ko siyang awayin,” sabi ni Maxine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *