Julie Anne San Jose, nagte-training

May latest workout post pala ang aktres na si Julie Anne San Jose na talaga namang tiningnan ng mga netizens dahil sa mga comments ng kanyang rumored sweetheart na si Rayver Cruz.

Sa kaniyang Instagram kasi, nag-post si Julie suot ang kaniyang workout outfit habang may buhat na dumbbell at sa isa namang video, makikita si Julie na sinusubok ang kaniyang squats.

Dahil dito, napakomento si Rayver: “Super fit pala ni MC pede po mag pa train.”

Sinagot naman ng dalaga si Rayver.

“@rayvercruz ako din patrain ako sayo po miss kita,” tugon naman ni Julie Anne.

Gumaganap si Julie bilang si Maria Clara sa historical fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.”

Wala pang kumpirmasyon sina Rayver at Julie tungkol sa real score nilang dalawa, pero matagal nang nakikita na sweet sila sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *