Rhian Ramos, naghandog ng tulong

Naging makabuluhan ang birthday celebration ng aktres na si Rhian Ramos dahil inilaan niya ito para sa mga single moms sa Sampaloc, Manila at binigyan sila ng libreng livelihood program.

Ayon sa dalaga, talagang malapit sa puso niya ang mga single moms.

“It’s close to my heart kasi ang mommy ko single parent din. Gusto kong pumili ng isang program na talagang puwedeng magbago ng buhay at puwedeng makatulong talaga na long-term,” sabi ni Rhian.

Sinamahan si Rhian ng kaniyang ina na si Mommy Clara, ng kaniyang BFF at housemate na si Michelle Dee, at nobyo na si partylist representative Sam Verzosa.

Nauna nang nag-organisa ng surprise birthday party ang family at friends ni Rhian, na dinaluhan ng isa sa kaniyang close friends at kapitbahay na si Max Collins.

Nagsilbi na rin itong house warming para sa kanilang bahay ni Michelle.

Matatandaang magsasama na sa iisang bahay sina Rhian at Michelle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *