Sandara Park, isa sa wealthiest

Nitong nakaraan ay lumabas ang isang report kung saan inilahad na nasa pangatlong puwesto ang K-Pop superstar na si Sandara Park sa listahan ng “7 wealthiest female K-Pop stars in the world”.

Ayon sa isang article ng SCMP.com na lumabas noong September, 2021, nasa ikatlong pwesto ng pinakamayamang K-pop idol ang dating member ng Korean girl group na 2NE1 at ang net worth umano ni Sandara ay nasa “around USD30 million,” o may katumbas na halaga sa Korea na KRW43.2 billion.

Sinabi ng dalaga na nalungkot siya nang mabasa niya ito

“There was an article that said I had 30 billion won (approximately PHP1,235,006,487). I was so sad. What do they mean, 30 billion? It felt so unfair,” pahayag ni Sandara at dagdag niya, maaaring kumita nga raw siya ng ganu’ng halaga mula nang pasukin niya ang K-Pop industry noong 2009 at magtrabaho nang bonggang-bongga.

“After debuting, I do think I’ve earned around 30 billion won, but I shared with my agency and members and also paid taxes. I also shopped like crazy so I wasn’t able to buy a building. These days, when I see my colleagues, I think that I could’ve bought a building if I didn’t shop. Now, I do not have 30 billion won. I do have 3 million won (P123,523),” kuwento ni Sandara.

Nanguna naman sa listahan sina IU at Lee Hyori. Sumunod kay Sandara sina SM Entertainment artist BoA, former Miss A member Bae Suzy, si Yoona ng Girls Generation at si Lisa ng BLACKPINK.

Taong 2021 nang umalis si Sandara sa YG Entertainment at pagsapit September ng nasabi ring taon, pumirma siya ng kontrata sa Abyss Company, na siya ring humahawak sa career ni Bambam ng GOT7, former Wonder Girls member Sunmi, Urban Zakapa at Park Won.

Sa ngayon, busy ang dalaga sa kanyang web show na “Sisters Who Don’t Taste Rice”. Bukod dito, makakasama naman niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa isang programa sa South Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *