Bangkay ni nene, sa sagingan natagpuan

Halos hindi na makilala ang isang Grade 7 na dalagita na natagpuang patay at durog ang mukha sa isang sagingan sa Bukidnon nitong Linggo.

Dakong alas-siyete ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Arlene Manyag, 16, sa Purok 3, Kulasihan, Lantapan.

Pinaniniwalaan hinampas ng matigas na bagay ang mukha ni Arlene.

Mabilis din namang naaresto sina Emerson Dimas, 22, at Romnick Baga, 18, sa isinagawang hot pursuit ng pulisya.

Sila ang itinuturong suspek matapos na mapag-alamang sila ang huling kasama ng biktima base na rin sa nakitang conversation sa cell-phone ng biktima.

Sa ngayon ay inaalam pa kung hinalay ba si Arlene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *