Barbie Forteza, nagpakilig

Nagpakilig ang aktres na si Barbie Forteza nitong nakaraan nang magpost siya ng isang larawan kasama ang kanyang boyfriend na si Jak Roberto kung saan makikitang magkahawak sila ng kamay ng binata.

Mas lalong kinilig ang mga netizens sa caption ng dalaga.

“O aking tahanan,” sabi ni Barbie na nireplyan naman ni Jak ng “I love you so much!”

Hirit naman ni Barbie, “I love you! Laters baby.”

Umulan naman ng mga komento mula sa netizens at mga kasamahan sa industriya ang pag-flex ng Kapuso actress sa kanyang boyfriend.

“Ay kakilig naman!” comment ni Andrea Torres.

Saad naman ng stylist na si Roko Arceo, “Bessy, baka langgamin kayo.”

“Gusto ko lang naman mag-Instagram. Bakit naman ganon Barbie ayyy HAHAHAHA,” chika naman ng netizen.

Talaga namang makikitang matibay at patuloy ang pagiging matatag ng kanilang relasyon na mahigit limang taon na rin.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lang nang muling intrigahin ang relasyon nina Barbie at Jak kung saan sinabing tuluyan nang naghiwalay ang dalawa.

Diretsahan namang nilinaw ng Kapuso star na walang katotohananan ang kumakalat na tsismis patungkol sa break up nila ng binata.

“To clear everything, napakasaya po ng puso ko ngayon dahil masayang-masaya po kami ni Jak,” sabi ni Barbie. “I cannot explain how happy we are right now. And yun nga, nakasama ko ang pamilya ko, nakasama ko ang kapatid ko, ang pamangkin ko, ang brother-in-law ko kasama si Jak with my whole family. Nagkaroon ako ng time para makasama sila nang matagal.”

Sa ngayon ay mapapanood si Barbie sa Kapuso teleserye na “Maria Clara At Ibarra” kung saan kasama niya sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *