Elle Villanueva, posibleng ma-inlove

Inamin ng aktres na si Elle Villanueva na posibleng ma-inlove siya sa kanyang ka-loveteam na si Derrick Monasterio dahil matagal na umano silang nagkasama sa lock-in taping ng sexy drama series nilang “Return To Paradise.”

Napapansin na rin ng ilang mga netizens na mayroon talagang kilig vibes mula sa magka-partner, sa katunayan maraming manonood at mga netizens ang nagwi-wish na sana’y magkatuluyan din sila sa tunay na buhay.

“Go with the flow lang. But then, we’re not closing doors,” sabi ni Elle.

“We just enjoy each other’s company and time, and masaya lang kami kapag lumalabas kami kasi gusto namin ‘yung company ng isa’t isa,” sabi naman ni Derrick.

Samantala, napakalaking tulong daw para kina Elle at Derrick ang totoong closeness nila sa mga mabibigat na eksena nila sa “Return To Paradise”. Nagtutulungan din sila sa kanilang intimate scenes.

Isa raw sa gustung-gustong katangian ni Derrick kay Elle ay ang pagiging game nito sa mga collaboration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *