Kylie Padilla, todo-workout

Matinding pagwo-workout ang pinagdaanan ng aktres na si Kylie Padilla at ibinahagi niya sa mga netizens ang mga ginagawa niya para sa kanyang fitness journey.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ng inspiring message si Kylie para sa lahat ng mga taong may issue sa kanilang itsura at katawan at ayon sa kanya, mahalagang ipaunawa natin sa ating sarili na iba-iba ang lifestyle ng isang tao o indibidwal at ang pagtanggap sa anumang hugis at itsura ng ating katawan

“Love your body how it is, then strive to improve it,” sabi ni Kylie. “I don’t measure my weight anymore. I go by what I see.”

Nabanggit din niya sa kanyang post ang ilan sa mga ginagawa niya bilang bahagi ng pang-araw-araw niyang fitness routine, kabilang na ang regular exercise at proper diet.

“I make sure to get 30 minutes of exercise at least every day and I eat whole foods,” saad ng aktres.

Sa dati niyang IG post, ipinagdiinan ni Kylie na huwag na huwag magpapadikta sa ibang tao pagdating sa pag-aalaga sa katawan, lalo na sa mga tulad niyang working mom.

“As a woman in society, there is so much pressure to look perfect, whatever perfect means. I know I’m not the only one who can say that in my history with my body there were so many unhealthy ways I tried to lose weight,” sabi ni Kylie.

“Some were definitely self damaging. It’s not about being sexy. It’s about discipline, knowing how to eat, when to eat and how much to eat depending on what your body needs. It’s not about being hungry. Most of all, it’s about patience and acceptance. It’s about truly loving and respecting your body,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *