Nandakma ng dibdib

Rehas naman ngayon ang hinihimas ng lalaking nanglamas ng dibdib ng dalawang kababaihang estudyante sa Malolos, Bulacan, nitong Miyerkules.

Kinilala ng Malolos Police ang suspek na si Paul Jerald Payongayong II (25).

Ang mga biktima namang estudyante ay itinago sa pangalang Lalaine (21) ng Malolos at Ophaline (19) ng Angat.

Ganap na 2:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Mojon.

Naglalakad lamang umano ang dalawang estudyante patungo sa kanilang eskuwelahan nang lumapit umano sa kanila ang suspek na lulan ng motorsiklo.

Nagulat na lamang umano sila nang walang ano-ano’y hinimas ng suspek ang dibdib ng biktimang si Lalaine saka sunod na dinakma ng mabilis ang dibdib ni Ophaline.

Agad namang nakahingi ng saklolo ang mga biktima sa mga tanod ng Brgy. Mojon na mabilis ding nakaresponde, dahilan upang agarang maaresto ang suspek na kalaunan ay itinurn over din sa Malolos PNP.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *