OUTBREAK IPINADEDEKLARA NA

Isang mambabatas ang nananawagan na ngayon na national government na magdeklara na umano ng outbreak at suspendehin muna ang klase sa buong Batangas province sa harap ng pagdami ng tinatamaan ng hinihinalang hand, foot and mouth disease o HFMD.

Hindi maikakailang naririyan pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa lalo na ngayong naglalabasan na ang mga mutated versions ng nakamamatay na sakit.

At kahit pa nagkaroon na ang sambayanan ng bakuna, naging delikado pa rin ang paglabas-labas at ang pag-uumpukan nang magsimulang kumalat ang omicron variant sa buong mundo sa huling bahagi ng 2021.

Dahil dito, bumaba ang antas ng proteksiyon laban sa pagkakahawa. Ang nananatili lang ay proteksiyon laban sa malalang uri ng sakit.

Paliwanag ng mga health experts, ang tinatawag na monovalent COVID-19 vaccine na kasalukuyang ginagamit sa Pilipinas ay nagtataglay ng pinakaunang strain ng virus noong 2019 na mula Wuhan, China.
Sa pag-mutate ng virus, nanatiling epektibo ang naturang bakuna laban sa alpha, beta at delta variant pero dahil nga sa omicron, humina na ang antas ng proteksyon na naibibigay ng mga naunang bakuna.

Kaya naman agad pinag-aralan ng Pfizer at Moderna ang posibilidad ng bivalent COVID-19 vaccines kung saan kung dati ay spike protein lang ng orihinal na strain ng SARS-CoV-2 ang nasa bakuna, sa bivalent vaccine ay kasama na rin ang spike protein ng omicron subvariant.

“That’s why it’s bivalent because you have the spike protein of the original Wuhan and the spike protein of the subvariant of omicron,” sabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante.

Nangangahulugang ang bivalent vaccines ay nagdudulot ng proteksiyon laban sa kasalukuyang variant at subvariant ng SARS-CoV-2.

Sa Pilipinas, wala pang emergency use authorization ang bivalent vaccines kaya ang monovalent vaccines pa rin ang tinatanggap ng mga tao.

Ayon sa World Health Organization, nananatiling public health emergency of international concern ang COVID-19, lalo pa’t nakikitang mas nakakahawa ang XBB subvariant.

Paalala lamang muli sa ating mga kababayan: Ang pandemya ay nariyan pa rin, kaya kailangang magdoble-ingat pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *