Wanted buking matapos kumuha ng police clearance

Isang lalaking pinaghahahanap ng batas ang nabuking nang kumuha ng police clearance sa Navotas City nitong Huwebes.

Sa isinagawang manhunt operation ay naaresto ang suspek na si Tranquilino Jasmin Jr (38) ng Lapu-Lapu Avenue, Barangay NBBN.

Sa ulat ni Navotas City Police chief Col. Dexter Ollaging, kumuha ng police clearance si Jasmin sa Navotas City Police ngunit, dahil sa systematic administration ng mga criminal reports, ay nabuking na may nakabinbin siyang kasong kaugnay ng  Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *