Jane de Leon, iniintriga?

May mga kumakalat na alingasngas ngayon na mahirap daw katrabaho ang aktres na si Jane de Leon kaya naman after ng Mars Ravelo’s Darna ay wala pang nakapilang project ang dalaga at ayon nga sa mga balita ay maarte umano ang dalaga.

Sa isang programa ng talent manager na si Ogie Diaz, napag-usapan ang mga tsismis

At sa latest upload nga ng “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz kung saan kasama niya sina Mama Loi at Mrena ay natalakay nga nila ang kumakalat na tsismis ukol kay Jane.

Marami raw kas ang nagtatanong sa talent manager kung may balita ito kung kailan masusundan ang kanyang nagtapos na project dahil matagal na rin ang nakalilipas buhat nang mag-babu ang “Darna” sa madlng viewers.

“’Yun nga, ang daming nagtatanong sa akin, ano na raw ang next project ni Jane De Leon? Tapos may nag-chika sa akin na mukhang matatagalan pa,” pagbabahagi ni Ogie dahil marami umanong mga chika na tila hindi ito bet ng mga tao dahil sa ugali nito.

Agad raw niyang tinanong ang kanyang kaibigan na malapit rin sa dalaga upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang mga chichi.

“‘No, Mama Ogs. Si Jane ay masunurin sa set. Lahat ng eksena ginagawa niya’. Hindi lang daw maintindihan ng taga ibang production na minsan may dinaramdam, masakit ang ulo, ganyan pero nagtatrabaho pa rin.” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, kitang kita kay Jane na talagang may pangarap ito sa buhay.

“Alam mo, sa totoo lang, ‘yang mga kaartehan sa set, normal na yan lalo na sa mga nagbibida. May mga nagbibida na masarap katrabaho tapos ‘yung production staff na nakatrabaho non, e the next project nila, laging bida sa kanilang pa-meeting o sa kanilang brainstorming yung artistang para sa kanila ay magaling katrabaho,” saad ng talent manager.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *