Cindy Miranda, nagpaka-totoo

Aminado ang aktres at dating beauty queen na si Cindy Miranda na talagang “naadik” na rin siya noon sa lalaki at sa usaping love at ayon sa kanya ay talagang naghabol pa siya sa lalaki dahil sa sobrang pagmamahal niya rito.

“Literal na hinabol ko po yung lalaki, parang si Joy na character sa Adik Sa ‘Yo. Medyo bata pa ako nu’ng mga panahon na yon. Ayon, hinabol ko po. Iiwanan ako, eh, so hinabol ko,” kuwento ni Cindy.

“Ang saklap nga po, eh. I think, sa pagmamahal wala pong pinipili talaga, eh. Maganda ka, guwapo ka o kung ano ka man palagi kang masasaktan,” dagdag pa niya.

Kinukuwestiyon din daw niya ang sarili kung ano ang mali at kulang sa kanya at iniwan siya ng dating dyowa. Ibinigay naman daw niya ang lahat sa kanilang relasyon.

“Palagi kong sinasabi, ‘Pangit ka kasi kaya ka hindi gusto.’ Ha-hahaha! Ako naman po, nabubuhay naman po ako sa totoo, sa reyalidad. Maraming mas maganda sa ’yo. Maraming mas talented sa ’yo. Maraming mas may K sa ’yo. Palagi kang papalitan at papalitan. Pero palagi kong sinasabi sa sarili ko, ‘Kahit iwanan ako nang iwanan nang iwanan pa, mag-stick ka lang sa sarili mo,” sabi pa ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *