Janine Gutierrez, matindi ang insecurity noon

Aminado ang aktres na si Janine Gutierrez na dahil sa kapal ng kanyang kilay kung kaya siya inaatake ng matinding insecurity noon, at pag-amin pa niya, naging mahiyain siya during her elementary days dahil sa kanyang itsura na madalas napapansin ng kanyang mga kaklase.

Aniya, bukod sa makapal niyang kilay, kulot na kulot din daw ang buhok niya.

“Growing up ano eh, napanood niyo ‘yung ‘Princess Diaries’ (movie ni Anne Hathaway) ‘yung bago siya mag-make-over? Ganu’n ‘yung itsura ko, ‘yung pre-makeover na ‘Princess Diaries.’ Kasi sobrang kulot ng buhok ko. Palagi ngang sinasabi pang-‘Lotlot and Friends’ talaga ang buhok ko, dapat sa ’80s ako ipinanganak,” sabi ni Janine.

“Tapos ang kilay ko sobrang kapal, Monching naman. So, nu’ng nag-aaral ako ang mga classmate ko hinahabol ako ng tiyani. Tapos everyday naka-ponytail lang ako kasi kapag naglugay ako as in (buhaghag),” dagdag pa ng ng anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

At dahil nga rito, inamin ng dalaga na medyo naapektuhan din siya ng mga panunukso sa kanya ng mga classmates na naging dahilan ng kanyang insecurities.

“Siguro parang mas naging mahiyain lang ako. May moment ako nung Grade 3, ‘di ba class picture, hile-hilera kayo ganyan. Eh, maiksi ang buhok ko nung Grade 3, ‘yung classmate ko na nakatayo sa likod ko kalahati ng mukha niya natakpan ng buhok ko sa kapal, promise. So pinahaba ko na lang tapos everyday naka-pony ako, tapos pomada, banat ganyan, kasi nahihiya ako,” sabi ni Janine.

“Kasi ‘di ba, siyempre sa commercial puro long straight hair. Hindi ka masyado nakakakita ng kulot dati na natural, so mahiyain talaga ako nu’ng bata,” dagdag niya.

Pero ngayon daw, super proud na siya sa kanyang makapal na kilay na siyang nauuso ngayon among female celebrities, kabilang na ang youngstar na si Andrea Brillantes na ginagaya na rin ngayon ng fans ang kanyang kilay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *