Jane de Leon, ‘buwis -buhay’ ang aktingan

Lilipad na ngayong araw ang pinakabagong fantaserye ng ABS-CBN na “Mars Ravelo’s Darna” kung saan bida ang aktres na si Jane de Leon at ayon sa dalaga, matinding hirap ang pinagdaanan niya lalo na pagdating sa mga fight scenes.

Bukod sa hirap, pressured din ang cast and crew ng Darna dahil susubukan nilang sundan ang yapak ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na namayagpag ng pitong taon

“Siyempre nakaka-tense kahit sino naman ang pumalit doon mahihimatay ka!” saad ni Jane sa isang panayam.

Pero kahit tense, excited sila sa programang more than 70 years nang binigyang-buhay ni Mars Ravelo base sa pahayag ng anak niyang si Ricky Ravelo sa nakaraang grand mediacon ng “Darna.”

Nariyan rin ang mga bashers ng dalaga, pero ayon sa kanya, hindi na niya ito pinapansin.

“Thankful ako sa bashers kasi naging mas strong ako as a person. Kailangan din nating tatagan ang ibinibigay nilang sakit sa puso (pakiramdam),” saad ng dalaga.

Inamin ding naaksidente siya dahil namali siya ng posisyon, “Pagluhod ko may maliit na pako.”

Nabanggit pa ni Jane na mangiyak-ngiyak siya nang isuot na niya ang helmet ni Darna na inihambing pa sa isang korona at mas lalo pa nang isuot na niya ang costume.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *