Lovi at Janine, game na game

Game na game sumagot ang aktres na si Lovi Poe at Janine Gutierrez sa nakaraang mediacon ng kanilang bagong original iWantTFC series na “Sleep with Me” kung saan tinatalakay rito ang lesbian relationship.

Ayon sa dalawa, hindi pa daw sila naligawan ng mga tomboy kahit na nga pareho silang supporter ng LGBTQIA+ community at exposed sa mga lesbian at gay personalities, pero wala rin umano silang nakikitang masama sa mga taong pumapasok sa same sex relationship.

“I don’t think there’s anything wrong with that. I mean if you like someone, you like someone you know. Love is love. You don’t have to categorize it,” sabi ni Lovi.

Ayon naman kay Janine, napatunayan nila na pare-pareho lang ang pakikipagrelasyon kahit pa sa pagitan ng mga LGBTQIA+ members dahit at the end of the day ang pinakamahalaga pa rin ay ang tunay na pagmamahal at respeto.

Tulad na lang daw ng love story ng mga ginampanan nilang character sa serye na sina Harry at Luna na may kanya-kanya ring disabilities — si Lovi ay may sleeping disorder habang naka-wheelchair naman si Janine sa kuwento ng “Sleep With Me.”

Dagdag pang pahayag ni Lovi, kung masaya at kuntento ka sa iyong relationship ngayon, “Good for you… at the end of the day kung ang taong iyon ang nag-angat sa iyo, nagpapasaya sa iyo. You know it’s not toxic relationship, you become a better person because of your partner, then that’s the person.”

“I think Janine and Lovi’s characters both have their own set of issues that they deal with, that makes them excluded from society at large. It’s about people’s stories that don’t get told a lot,” sabi ni Direk Samantha, na kilala rin sa mga queer films niyang “Baka Bukas” at “Billie and Emma.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *