Elle Villanueva, inaabangan

Mukhang marami na ang nag-aabang sa aktres na si Elle Villanueva lalo na nang pumalo sa higit two million views ang full trailer ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na “Return To Paradise” sa Facebook.

Kasama ni Elle si Derrick Monasterio at award-winning actress Eula Valdes.

Sa trailer pa lang, interesante na ang takbo ng storya kaya naman humakot ito ng milyong views.

Ang “Return To Paradise” ang first lead role ni Elle sa isang teleserye kaya naman talagang ibinigay niya lahat para mabigyan niya ng hustisya ang kanyang role.

Kabilang na nga riyan ang pagsabak niya sa pakikipaghalikan at love scenes with her leading man Derrick Monasterio na game na game rin sa mga maiinit na eksena nila sa beach.

“’Yung mga daring scene, ‘yung pagpapakita ng skin, ‘yung kissing scene, first time kong as in todo-todo magwala onscreen. Wala na akong paki sa paligid ko kung anuman itsura ko, as in, ilalabas ko na lahat. ‘Yung sa before na teleserye ko, more on minimal acting. They want na parang composed pa rin, but this time they want it really big. First time ko rin mag-shoot sa beach which is very fun and challenging kasi ang hirap mag-shoot sa outdoors lalo na sa beach,” sabi ni Elle.

“Napakaraming challenges dito sa teleserye na ito and I’m really grateful to be a part of this kasi ang saya. Ang saya ma-experience lahat. Nakakapanibago siya pero masaya,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa cast ng “Return To Paradise” sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon, sa direksyon ni Don Michael Perez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *