Francine Diaz, may bagong serye

May panibago namang aabangan ang mga tagahanga at tagasunod ng young actress na si Francine Diaz dahil may upcoming series ang dalaga sa ABS-CBN na pinamagatang “Dirty Linen.”

Kasama ng dalaga bilang bagong screen partner si Seth Fedelin.Ito’y pagbibidahan din nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Janice de Belen, Joel Torre, Susan Africa, Tessie Tomas, Nanding Josef at Soliman Cruz.

Kasama rin sa serye sina Epy Quizon, JC santos, Christian Bables, Aubrey Miles, CJ Navato, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi at Jennica Garcia.

“Kinakabahan ako na excited. Kinakabahan dahil parang ang tagal bago ako ulit bumalik sa serye dahil kailan ba ‘yung Bola-Bola (huli niyang serye)? Parang February pa or March. Pero excited ako kasi meron akong mga bagong makakasama and I’m sure marami silang maituturo sa akin pagdating sa acting at siyempre another family and friends,” sabi ng dalaga.

Aminado si Francine na bukod sa matinding challenge na haharapin niya sa bago niyang teleserye ay inaatake rin siya ng magkahalong kaba, takot at excitement dahil sa mga makakasama niya sa naturang project.

“Kasi di ba, may iba doon sa mga movies na kapag sinabi mo na ito ‘yung unang personality mo na bata, siya magiging bata rin talaga siya. Pero ‘yung sa akin naman mas nag-iiba kung paano siya makitungo kapag kasama niya ‘yung family niya, kapag kasama niya ‘yung friends, kapag mag-isa na lang siya, at kapag talagang basag na siya so I think iyon ‘yung magiging challenge sa akin,” saad ni Francine.

“‘Yung magiging challenge sa akin is ‘yung character ko of course pero ‘yung challenge rin kasi is ‘yung kapag makakaeksena ko siyempre magagaling at mga bigating artista ‘yung makakasama namin dito sa Dirty Linen pero excited ako,” dagdag niya.

Nang tanungin kung si Seth na nga ang magiging ka-loveteam niya sa “Dirty Linen”, “Hindi ko pa pwede makwento kasi baka ma-spoil, pero masasabi kong merong similarities ‘yung character namin ni Seth sa music video ng ‘Muli.’ Pero kailangan abangan niyo kung ano ‘yun.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *