P6M MJ wasak

Nasa P5,940,000 halaga ng marijuana plants ang sinira ng mga awtoridad sa mga disputed boundaries ng Ilocos Sur at Benguet nitong Linggo at Lunes.

Isinagawa nang dalawang araw ang marijuana eradication operation sa boundary ng Sitio Culiang, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet at Sitio Nagawa, Brgy. Cauayan, Sugpon, Ilocos Sur, matapos na madiskubre ang nasa 19,000 na nakatanim na fully grown marijuana.

Doon ay pinagbubunot at sinunog ang mga nakatanim na marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P3,880,000.

Alas-dos ng hapon naman ng Lunes nang matunton ng mga otoridad ang 9,000 fully grown marijuana at 250 marijuana seedlings sa disputed boundaries ng Sitio Nalbo, Brgy. Cayapa, Bakun, Benguet at Sitio Pilpil, Brgy. Amilongan, Alilem, Ilocos Sur.

Bukod dito, may nadiskubre din na mga marijuana seeds na may timbang na 2000 grams.

Matapos na sirain sa pagkakatanim ay sinunog din ang mga ito maging ang mga buto.

Nasa P2,060,000 ang winasak na marijuana seeds at marijuana plants sa lugar.

Wala namang nahuling cultivator ang mga operatiba sa mga sinalakay na taniman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *