Pitong senior high school sa Navotas ang inaprubahan ng DepEd-NCR upang magdagdag ng tracks at strands.
Nabigyan ng approval ang mga paaralan na maghandog ng: Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand; Science, Technology and Mathematics (STEM) strand; Accountancy and Business Management (ABM) strand; at General Academic (GA) strand. Gayundindin naman, inaprubahan ang mga sumusunod na strands sa Technical-Vocational-Livelihood Track: Information and Communication Technology (ICT) strand na may specialization sa mga sumusunod: Computer Programming, Computer System and Servicing, at Animation and Illustration; at Home Economics (HE) strand (na may specialization sa Hairdressing, Food and Beverage Services, Bread and Pastry Production, at Cookery).
Sa kabilang banda, nagsagawa ng payout para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation mula sa pondo ni Cong. Toby Tiangco na inilaan sa Department of Social Welfare and Development.
“Ito po ay para sa mga rehistradong Navoteño na mga miyembro ng TODA at PODA, at di pa nakatanggap na ayuda mula sa AICS ni Sen. Imee Marcos,” ayon kay Cong. Tiangco.
Ang pamamahagi ay isinagawa kahapon sa Navotas City Hall lobby.