Heaven Peralejo, may pinagkaka-abalahan

May bagong hobby pala ang aktres na si Heaven Peralejo at sa kanyang social media account, ipinakita ng dalaga ang kanyang bagong pinagkaka-abalahan – ang free diving.

Sa kanyang IG, ibinahagi niya sa kayang mga followers ang isang video ng kanyang pagsisid sa karagatan.

“Just take a deep breath and relax. Been wanting to try freediving for so long and I finally did!” sabi ni Heaven at dagdag niya, ngayon daw ay naiintindihan niya na kung bakit nga ba nakakaadik ang free driving.

“Something I can say is that its more on mental than anything else I’ve tried. So challenging yet so simple at the same time. I can see now why freediving is addictive,” sabi ng dalaga at talagang hinikayat pa niya ang kanyang mga followers na subukan rin nila ang pag-free dive.

“It’s like entering into a new state of consciousness. If you’ve been thinking of trying this out, do it! I promise you, it’s a whole different experience,” saad ng dalaga.

Umani naman ng magagandang komento ang post niya mula sa mga netizens.

“Heaven on earth, ngayon heaven under the sea na din. Always dive with a buddy idowl. Dive safe. Equalize,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, ” New mermaid in town. Love it.”

Makikitang nagpasalamat rin si Heaven sa mga umagapay sa kanya sa pagsisid maging ang mga kumuha ng larawan at video ng kanyang free diving experience.

Bibida siya sa pelikulang “Nanahimik Ang Gabi”, isa sa mga pelikulang kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Makakatambal niya sa upcoming movie ang batikang aktor na si Ian Veneracion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *