Janella Salvador, ready as Valentina

Talagang ready to fight na ang aktres na si Janella Salvador sa kanyang pagganap bilang arch-enemy ng Pinoy superhero na si Darna pero kahit ganoon, sinabi ng aktres na inatake rin siya nang ialok sa kanya ang role ni Valentina sa “Mars Ravelo’s Darna” na napapanood na ngayon iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Inaabangan na ng mga manonood kung paano ang gagawing take ni Janella sa iconic villain ni Darna na ginagampanan naman ng aktres na si Jane de Leon.

Aminado ang celebrity mom na napakatindi ng mga challenges na hinarap niya para mabigyan ng hustisya ang iconic character ni Valentina kasabay nga ng ginawa niyang preparasyon para rito.

“Pinaghandaan ko talaga siya. It’s one of the most challenging roles I’ve ever had to portray, kasi nga napaka-complicated niya,” sabi ni Janella. “Noong una actually, I was a bit scared kasi nga kakapanganak ko pa lang, ang tagal ko nang hindi umaarte, pero pinaghandaan ko talaga siya and I gave my 100 percent.”

Dagdag pa niya, saktong-sakto ang pagdating ng offer sa kanya ng ABS-CBN dahil ito raw ang perfect project para sa kanyang comeback matapos mawala sa limelight ng ilang buwan dahil sa anak niyang si Baby Jude Trevor.

“Siguro after giving birth rin, I was, been hoping and praying na sabi ko ‘Ano kaya ang magiging comeback and big break. And ito nga biglang nag-rise ang opportunity na ‘to, so, I took it,” sabi ni Janella.

“Well the people around me were obviously afraid for me, and maraming nag-plant ng ganu’n sa utak ko na, ‘baka di ka na makabalik. Nanay ka na.’ But ako kasi, firm believer ako na you can do whatever you want to do, even if you’re a mom. It doesn’t matter naman. Kaya mo pa rin naman gawin as long as, gugustuhin mo so I was determined talaga,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *