Shaira Diaz, nagluluksa

Matinding kalungkutan ang nararamdaman ngayon ng Kapuso actress at “Lolong” star na si Shaira Diaz dahil sa pagpanaw ng kanyang alagang aso na si Kakay at talagang ramdam na ramdam ng kanyang mga tagasuporta ang sakit na nararanasan ngayon ng dalaga.

Sa kanyang IG, ipinakita ni Shaira ang mga larawan nila ng alagang aso kalakip ang mensahe ng pamamaalam kay Kakay at ayon pa sa dalaga, hinding-hindi niya ito makakalimutan habang siya ay nabubuhay kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng masasayang alaala na iniwan nito sa kanya.

“Kakay ko, salamat dahil lumaban ka hanggang dulo. Kahit ang mga doctor at nurses mo nagulat na nasurvived mo ang surgery at lumaban ka ng isang linggo. Lahat sila pinabilib mo sa tapang at lakas mo kaya proud na proud ako sa yo,” saad ng caption ni Shaira.

“Ang sakit sakit na wala ka na ngayon samin pero masaya ako na kasama mo na si Lord dyan sa heaven. Ngayon pahinga ka na. No more pain my baby. Run free, my love. Maraming salamat sa siyam na masasayang taon. Hanggang sa muli… mahal na mahal ka namin, Kakay. Mamimiss ka namin ng sobra. You’ll always be our Alpha,” dagdag niya.

Nauna rito, nagbahagi na ng mensahe si Shaira tungkol sa pagpanaw ng kanyang alaga nitong nagdaang araw at sinabi nga niya kung gaano kasakit ang mawalan ng “mahal sa buhay.”

“Durog na durog ang puso ko. Mahal na mahal kita Kakay ko…maraming salamat sa masasayang alaala,” sabi ng dalaga.

Bumuhos naman ang pakikiramay kay Shaira mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz kabilang na sina Maria Rivera, Barbie Forteza, Ashley Ortega, Maui Taylor, Arra San Agustin at Jak Roberto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *