Miles Ocampo, nagmamakaawa

Matapos matanggal sa Eat Bulaga nang matalo sa segment ng longest noontime show na “Bida Ex”, nagmamakawa umano ngayon ang young actress na si Miles Ocampo sana’y mabigyan uli siya ng chance na makabalik sa “Eat Bulaga.”

Nitong Sabado nga kasi ay natanggal na ang dalaga sa segment na parody ng “Bida Next” contest ng “Eat Bulaga” kung saan sumasabak sa isang bardagulang audition ang mga aspiring hosts ng programa.

Natalo si Miles nang nang maglaban-laban sila nina Allan K at Maja Salvador sa stage ng “EB” base na rin sa naging desisyon ng iconic comedy trio na sina Tito, Vic and Joey na nagsilbing mga hurado sa contest.

Kaya naman umuwing luhaan ang dalaga na may pa-walkout pang drama bitbit ang kanyang maleta at microphone sabay sakay ng jeep sa Marcos Highway pauwi sa kanila.

At nito ngang nagdaang Lunes, nagmakaawa ang aktres na sana’y bigyan uli siya ng isa pang pagkakataon na makabalik sa programa.

Sa pamamagitan ng video call, kinausap si Miles tungkol sa pagkakatanggal niya bilang host ng noontime show. Iipinakita pa ni Maja na umiiyak na ang dalaga habang kachika sila.

“Sorry hindi kasi ako sanay na ano parang naging routine ko na kasi na kapag ganitong oras nandiyan na rin ako,” sabi ni Miles. “Guys baka may chance pa kasi ano e, mapagmahal naman ako ‘di ba? Sana bigyan n’yo ako ng chance na makabalik. Please I’m begging you guys make me come back parang kulang kayo diyan,” dagdag pa niya.

Ang malaking tanong ngayon, pagbibigyan pa kaya siya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *