Matapos ang kontrobersyal na birthday party niya, sinabi ng singer-actress at content creator na si Donnalyn Bartolome na hindi siya nagpapa-apekto sa mga pambabatikos ng mga bashers sa kanyang “kanto-themed birthday party.”
Siguradong milyun-milyon ang kikitain ng nasabing YouTube vlog ni Donnalyn dahil milyones na rin ang nahamig nitong views mula sa kanyang mga subscribers, kaya wala na umanong dahilan para maapektuhan at ma-stress ang dalaga sa mga natatanggap na pangnenega dahil sa ipinalabas niyang birthday video na kinunan last month.
Naglabas rin ng mensahe ang dalaga para sa lahat ng kanyang supporters pati na sa mga taong na-offend sa vlog na inilabas niya.
“My life before fame at di ko ikakahiya. Salamat sa mga tropa kong napatawa ako sa meme cake kong tutong dahil mahilig ako sa extra rice.. wag niyo isipin napahamak niyo ako, wala naman tayong tinapakang tao,” sabi ni Donnalyn.
Patuloy pa niya, “Sa dami nang tumapos nung video, nakita ko sa comments madami tayong na-inspire na taong magsumikap after they saw my old pictures sa kanto at nung sinabi ko yung secret to success at the end of the video. Wala akong regrets. BEST BIRTHDAY OF MINE SO FAR!!”
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga kapwa niya “kanto peeps” na mula noon hanggang ngayon ay nagmamahal at nakasuporta sa kanya.
“Thank you Oomph TV fam and thanks to all my kind hearted kapwa kanto peeps for defending me. I feel God’s love and promises through you.
“25 days to edit. 8 editors including myself, 9 cameras, 8-10 hours of footage edited down to 33 minutes para sa video na may puso. We reached 5.2 Million Views in 5 days!!” sabi pa niya.