Julia Montes, pinagpiyestahan uli

Umuugong na naman ang social media nitong nakaraan matapos lumabas ang mga larawan ng aktres na si Julia Montes na kuha sa thanksgiving party ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kamakailan.

Kasi naman, napapansin na naman ng mga netizens na baka buntis ang dalaga dahil sa nakikitang baby bump umano sa mga larawan.

Yes, ang tsika ay buntis na raw uli si Julia sa second baby nila ni Coco na siyang dahilan umano kung bakit biglang nawala ang karakter ng aktres sa huling ilang linggo ng “Probinsyano.”

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang tila baby bump ni Julia sa kumalat na mga litrato mula sa thanksgiving event ng nagtapos na action series ni Coco na naganap noong August 14.

May ilang pictures din na ipinost si Megastar Sharon Cuneta kasama sina Coco at Julia kung saan kapansin-pansin nga ang pagtatakip ng aktres sa kanyang tiyan. Nakasuot ng all-black OOTD si Julia — sleeveless blazer, itim na top and pants.

At base nga sa mga comments na nabasa namin sa Facebook post ni Sharon, feeling nila ay totoong nagdadalang-tao si Julia. Ilan pa nga sa kanila ay nag-congratulate kina Coco at Julia.

Samantala, sa isa namang IG post ni Julia, makikita ang litrato nila ni Megastar na magkayakap at dito nga napansin ng netizens ang kumikinang na suot na singsing ni Julia na pinaniwalaang engagement ring nila ni Coco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *