Bella Poarch, may crush

Inamin ng Filipino American singer na si Bella Poarch na crush niya ang aktor na si Joshua Garcia at ayon sa dalaga, ultimate crush niya ang aktor at alam na rin umano ni Joshua.

Sa katunayan daw, madalas na silang mag-usap.

“My favorite Filipino actor right now is Joshua… You know who? “Crush ko ‘yun e, si Joshua Garcia,” sabi ni Bella, na balak umuwi sa Pilipinas sa darating na Disyembre.

“Mahal na mahal ko kayong lahat. Kitakits sa Pasko maybe,” sabi ni Bella.

Si Joshua naman, hindi naman itinatanggi na maaaring yumabong pa ang kanilang pag-uusap.

“Hindi natin alam. Pero we’re very good friends. Magkaibigan kami ngayon. Yes, hindi lang ‘Hi, hello.’ May mga konting katanungan. Hinanap ko pa ‘yung mga English ko pero sabi niya nagta-Tagalog naman daw siya,” sabi ni Joshua.

Sa ngayon ay looking forward naman si Joshua na ma-meet ang TikTok star.

“Thank you. Sana makita kita. Magpakita ka sa akin,” sabi ni Joshua.

Matatandaang nakapanayam rin ni MJ kamakailan si Bella kung saan inamin niya na isa nga sa mga crush niya sa industriya bukod kay Zach Tabudlo ay si Joshua nga.

Samantala, sumisikat ngayon ang bagong inilabas na kanta ni Bella na may titulong “Living Hell”.

Pagkukwento niya, ito raw ay patungkol sa kanyang mga naging karanasan noong naninirahan pa sila sa Pangasinan.

“It’s all about self-empowerment and being confident and not letting anybody put you down. Just speaking up for yourself, is the first step,” saad ni Bella sa isang panayam.

Bukod sa pagkukwento patungkol sa kanyang bagong kanta, naibahagi rin ng dalaga na isa sa kanyang pangarap simula pa noong bata ay ang makapag-perform sa Kapamilya Sunday musical-variety show na “ASAP Natin ‘To!”.

“I literally grew up watching ASAP… Oh my God! That would be a dream come true,” sabi ni Bella.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *