Heart Evangelista, may pinagdadaanan nga ba?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang mga tsismis na nagkaroon umano ng tampuhan ang mag-asawang sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Nagsimulang umugong ang mga balitang on the rocks ang dalawa nang tanggalin ng aktres ang apelyido ng asawa sa kanyang Instagram account pero naroon pa rin ang katagang “wife.”

Ayon sa paliwanag noong una, inalis ang Escudero dahil may kinalaman sa international project nito. At dahil dito kaya nagkaroon daw ng tampuhan ng asawa.

Sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ay may nabanggit silang ibang kuwento kung bakit may isyu ang mag-asawa.

Bungad ni Ogie, “Actually, wala pa ring paglilinaw kung sila pa rin, or hindi na, or nagkakatampuhan lang.”

Sabi naman ni Mama Loi, “Ang daming nagtatanong sa akin ‘Nay kung totoo raw ba na ang rason umano ng kanilang paghihiwalay ay nakabuntis daw si Senator Chiz Escudero? Nakakaloka!”

“Naku, ganu’n ba ‘yun?” saad naman ni Ogie.

“E, kasi si Heart hindi pa handang maging nanay daw, so may mga ganu’n-ganu’n kasi gustong i-maintain ni Heart ang kanyang figure. May mga nababasa pa kayong ganyang comment,” dagdag kuwento pa ni Ogie.

At marami rin daw ang nakapansin sa latest TikTok video ni Heart. “Sa TikTok reel ni Heart mayroon siya roon nabanggit tungkol sa hiding your sorrows with the shades,” say ni Mama Loi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *