RR Enriquez, like si Jane

Kahit marami ang nagsasabing hindi umano bagay sa aktres na si Jane de Leon ang pagganap bilang si Darna, naniniwala ang TV personality na si RR Enriquez na bagay sa dalaga ang role.

At nitong nakaraan nga ay nakita na si Jane bilang si Darna at pinatunayan niya sa lahat ng nagsabing “wala siyang dating at hindi bagay” na may karapatan din siyang gampanan ang iconic Pinay superhero.

Aminado si RR na noong una ay feeling niya ay hindi bagay si Jane sa nasabing role.

Sa kanyang IG account ay umaming napahanga siya ni Jane at nasambit niya na alam na niya kung bakit siya ang napiling Darna ng 2022. Ipinost ni RR ang poster ni Jane na naka-costume na as Darna.

“Agang sawsaw. Kagabi ko pa ito kinompose kaso nakatulog ako kakaisip ng isusulat. Gravity ‘yung effect ng comment ko as a SawsaweRRa Queen kay Darna. Dami nag aabang ng comment ko.‘Yung iba talagang mahina lang ang IQ na akala mo once you gave your opinion or comments akala nila hater ka na. But anyways since some of you wants me to sawsaw kahit busy ako sa vacation gogogo,” sabi ni RR.

“In fairness sexy po s’ya, pinanood ko din ‘yung video pero mga clips pa lang. Sexy po ng dating nya but not oozing… (Good criticism ito ha)I think what I will say next is still a compliment. Hindi sya yung tipo na pag nanasaan mo dahil napaka-inosente ng dating nya,” dagdag niya.

“Parang gets ko na why she was chosen as Darna. Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (wonder woman in her) Hindi din sya pa super sexy di ba? So that’s what I saw with Jane..
Pinatunayan nya na hindi kailangan maging super pa-sexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body. Siguro nasanay kasi ako na kapag Darna pina-fantasize agad (marami kasing maniac sa Pinas isa na ako dun) But sa character na nakita ko parang na-gets ko na they wanted to show us na hindi lang pang sex symbol, sexy fantasize si new Darna. You can love her and focused on her other characteristics…. A strong define classy young empowered DARNA!” sabi pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *