Shaina Magdayao, nagbalik-tanaw

Ngayong natapos na ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, inalala ng aktres na si Shaina Magdayao ang kanilang mga eksena kung saan pinatunayan rin niya kung gaano ka-intense at kadelikado ang mga eksena nila sa nagtapos na action-drama series ni Coco Martin.

Dalawang linggo matapos ipalabas ang finale episode ng longest Kapamilya primetime serye ng ABS-CBN, nagbahagi si Shaina ng ilang BTS o behind-the-scenes photos na kuha sa isang eksena niya sa serye.

Isa na nga rito ang litrato niya na kuha matapos niyang gawin ang kanyang rape scene at pagkamatay bilang si Roxanne.

Sa Instagram, ibinahagi nga ni Shaina ang kabuuan ng nasabing eksena kung saan makikita ang mukha niya na pulang-pula. Aniya, sa sobrang intense ng nasabing rape at death scene, nagresulta ito sa “popping of my blood vessels on the face.”

“My face has fully recovered now, don’t you guys worry.” Siniguro rin niya na hindi siya pinabayaan ng production habang kinukunan ang kanyang mga buwis-buhay na eksena,” sabi ni Shaina.

Kasunod nito, binanggit din ng aktres si Raymond Bagatsing na gumanap bilang si Lucio na siyang nang-rape kay Roxanne. Pinasalamatan niya ang premyadong aktor, “for being so professional and gentle with me while doing this sensitive scene.”

“Mukha lang pong intense but he did not hurt me, at all. Promise,” aniya pa.

Pinasalamatan din niya ang kanyang “kuya” at screen partner na si Raymart Santiago na gumanap naman bilang si Victor, “for being so generous with your reactions/talent and energy!”

“Isa ka na talagang Dramatic Falling Action Star. Naks! The magic of our directors, camera angles, make up, and set-up really helped our acting too!” aniya pa.

“Kaya salamat po for appreciating our work and for making us trend too. Sulit ang pagod, pawis, puyat, luha dahil sa inyo!” ang mensahe pa ni Shaina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *