Loisa Andalio, bumanat sa bashers

Bumuwelta ang young actress na si Loisa Andalio sa mga bashers na nagsasabing isa raw siyang babaeng “retokada” at giit niya, wala siyang ipinagawa sa kanyang mukha at lahat daw ng nakikita ng madlang pipol sa kanyang mukha at katawan ay natural at totoong-totoo.

Kamakailan ay nagpost ang dalaga sa kanyang social media account ng kanyang litrato kalakip ang mensahe na hindi siya produkto ng anumang uri ng retoke o cosmetic enhancement.

Ayon kay Loisa, kailangan na niyang magsalita tungkol sa naturang tsismis dahil napakarami nang nagtatanong sa kanya at dagdag niya, kahit isang bahagi ng kanyang katawan ay hindi nagalaw ng sensiya pero agad niyang nilinaw na wala siyang issue sa mga taong sumasailalim sa cosmetic enhancement.

“Ang dami ko po nababasang comment, at hindi rin rin ako mahilig sumagot sa ganito pero gusto ko lang po linawin na wala po akong retoke kahit .1 percent at wala rin po akong balak. Hindi rin po ako against sa mga nagpa-enhance… your body, your rules. Ayun lang pa,” sabi ng dalaga.

Dumagsa naman ang komento na nakuha ng post ni Loisa at halos lahat ay nagpatotoo na hindi nagparetoke ever si Loisa.

Naglabas pa nga ng ebidensiya ang ilan sa mga netizens kabilang na riyan ang pictures ng dalaga noong naging teen housemate sa “Pinoy Big Brother.”

“It’s obvious na natural beauty at wala kang retoke… sa mga nakasubaybay sa’yo mula PBB alam na alam namin ‘yan. Yan ang maganda walang halong çhemical kaya MARAMING naiinggit.”

“Loisa Andalio yun ang nagustuhan ko sa’yo kaya idol na idol kita. Purong natural walang halong chemical. Napakasimple pero ang lakas ng dating,” sabi ng ilang mga netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *