Nadine Lustre, may pinagdadaanan?

Lumalakas ang ugong ngayon sa social media kaugnay sa lovelife ng aktres na si Nadine Lustre dahil napansin ng mga netizens na nawala na umano sa Instagram ang mga old photos nila ng ex-boyfriend niyang si James Reid kasabay din ng mga larawan nila ng current boyfriend niyang French-Filipino na si Christophe Bariou.

May ilang nagsasabi na baka na-hack umano ang account ng dalaga o baka umano si Nadine na rin mismo ang nagtanggal ng mga nasabing larawan dahil gamit niya ang social media account para sa online endorsements niya.

May ilaan namang nagtatanong kung bakit nasabay ang pagtanggal ni Nadine sa mga larawan ni James nang ma-link ang aktor sa K-pop idol na si Nancy McDonie ng Momoland na nakitang nag-date sa Amerika.

Kung matatandaan, may project sana noon sina James at Nancy na “The Soulmate” noong 2019 under Dreamscape Entertainment na ididirek ni Antoinette Jadaone pero dahil sa pagsasara ng ABS-CBN ay hindi na ito itinuloy.

Dati nang na-link noon sina James at Nancy at may ispekulasyon na isa ito sa dahilan kaya naghiwalay na ang JaDine na inamin nila noong Enero, 2020.

Ayon naman sa mga JaDine supporters, nanghinayang sila dahil sa pagtanggal ni Nadine ng old pictures nila ni James ay nangangahulungang may closure na at wala na talagang pag-asang magkabalikan pa ang dalawa.

Hoping pa rin kasi ang fans dahil nga may communication pa rin ang dalawa lalo’t si James ang manager ni Nadine under Careless Music.

Pero ang ikalawang tanong, anong nangyari at nawala rin ang mga larawan ni Christophe sa IG account ng aktres? May pinagdaraanan din ba si Nadine at ang kanyang French-Filipino boyfriend?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *