P300K para sa lead sa pagpatay sa ex-kagawad

Nasa P300,000 pabuya ang ipagkakaloob ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa bawat ulo sa sinumang makapagtuturo sa dalawang salarin na nasa likod ng sa pagpatay sa isang dating barangay kagawad ng lungsod.

Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek na kinilalang sina Tito Santiago Salibio, ng 2nd St., Brgy. Tañong, Malabon; at Carlito Mansueto Abalo alyas Andy, ng C4 Road ng parehong lugar na umano’y naninirahan din sa Marigold Road, Potrero.

Base sa warrant ay kasing Murder ang isinampa sa dalawa na issue ng Regional Trial Court Branch 284 ng Valenzuela City kung saan ay walang piyansanh inirerekomenda.

Ang dalawa ang umano’y nasa likod ng pagpatay noong Hunyo 29, 2022, sa dating kagawad ng Barangay Canumay East, Valenzuela City na si Alexander Liwanag Joseph.

Ayon sa mga awtoridad ay mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Valenzuela City Police Station kung may anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga dalawa, numero ng telepono na 8352-4000 at 09064197676.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *