AJ Raval, bigay-todo sa aksyon

Hitik na hitik pala sa aksyon ang pinakabagong original Vivamax movie na “Sitio Diablo” na pinagbibidahan nina AJ Raval at Kiko Estrada at talaga namang bigay-todo ang aktres sa kanyang role.

Nitong nakaraan ay nagkaroon ng private screening sa Gateway Cinema 7 kung saan dumalo ang lahat ng cast members kasama ang kanilang direktor na si Roman Perez, Jr..

Bukod kina AJ at Kiko, naroon din sina Ace Raval (kapatid ni AJ kay Jeric Raval), Benz Sangalang, Joko Diaz, Azi Acosta, Pio, Cean Jr., Just Hush, Because, Ruby Ruiz, Karl Aquino, Alvaro Oteyza, Massimo Scofield at ang baguhang sexy star na si Sheina Yu.

Aksyon agad ang offering sa simula pa lang ng pelikula kung saan ipinakita rito ang mga kaguluhang nangyayari sa Sitio Diablo na wari ay walang katapusan ang problema, pati na ng mga trahedya.

Kaliwa’t kanang gang wars at iba’t ibang klase ng krimen, ito ang araw-araw na buhay sa Sitio Diablo, ang buhay na kinasanayan na ng karakter ni AJ na si Aina.

Galing sa pamilya ng mga gang leaders, hindi na bago kay Aina na kumita ng pera galing sa pagnanakaw, droga, mga ilegal na armas, pati na sa krimen ng pagpatay.

Malaking impluwensiya sa kanya ang yumao niyang ama at nakulong na kapatid na si Tonix (Benz Sangalang), na naging mga leader ng Los Hijos Diablos, ang pinaka-notorious at kinatatakutang gang sa kanilang lugar.

May mga nagsabing medyo bayolente ang pelikula, pero talaga namang nina Kiko at AJ na hindi nagkamali ang Viva Films pati na si Direk Roman na sila ang kuning bida sa pelikula dahil bukod sa parehong palaban sa maaaksyong eksena, wala ring keber sa kanilang sex scenes ang dalawa.

“Direk Roman is like barkada to us. At the same time, we’ve maintained our respect for him. We’re just portraying our characters and doing our jobs as actors. Parang wala po kaming hinahabol na kompetensya, parang ginagawa lang po namin sya na trabaho lang po talaga, we are not expecting anything,” sabi ni AJ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *