Sandara Park, tinamaan ng COVID-19

Nahawa na rin ang K-Pop superstar na si Sandara Park ayon sa ibinalita ng Korea media outlet na YTN na inilabas nitong August 24.

Dahil dito, napilitang kanselahin ng kampo ni Sandara ang lahat ng kanyang commitments at natanguang events para sumailim sa self-quarantine.

Sa kanya namang official Twitter account, kinumpirma ni Sandara na nahawa nga siya nga COVID-19 at nakaranas ng pananakit ng katawan at panginginig.

“I was resting quietly and recovering, but the article went out. I’m so sorry that all of this week’s schedule was delayed. Don’t worry guys~I was a little sick with body aches & chills only on the first day, now only my neck hurts. Voice has become strange…it will recover! I have to take medicine, so I have to eat all three meals a day, so I eat better than usual,” saad ni Sandara sa kanyang social media post.

Sunud-sunod naman ang natanggap na mensahe ni Sandara mula sa kanyang Filipino at Korean supporters sa social media matapos ngang ibalita ang tungkol sa kanyang health condition.

Halos lahat ng nag-comment sa Twitter post ng former 2NE1 member ay nagsabing ipagdarasal ang kanyang mabilis na paggaling.

Bukod kay Sandara, ang iba pang K-pop star na nagpositibo sa COVID-19 ay sina Sunny ng Girls Generation, Jihyo ng Twice, Mingyu ng Korean group na Seventeen, at ang singer soloist na si Kang Daniel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *